Ang Subi ni Subia

Hindi pa man tapos ang giyera laban sa droga ng Duterte administration ay bigla namang tumambad ngayon ang garapalang pangungurakot at panggagantso ng mga tinaguriang kotong Judge.

Siguradong papatulan ito ni Pangulong Digong dahil alam naman nating inis na inis si Duterte sa mga tiwali at mangongotong, lalo pa’t kabaro niya sa hudikatura ang huwes na sinampahan na ng kasong EXTORTION at GRAVE MISCONDUCT matapos mambiktima ng isang Chief Executive Officer (CEO) ng isang steel company.

Dapat nating tandaan na ang industriya ng bakal ay isa sa mga prayoridad ni pangulong Duterte dahil ito ang “main ingredient” ng ipinapangako niyang industriyalisasyon.

Pero pano mangyayari ang pangarap na “industrialization” kung mismong ang mga opisyal ng korte ang humahadlang dito.

Hamakin ninyong tumataginting na P15M daw ang hiningi nitong si Makati RTC Branch 138 Judge Josefino Subia mula sa CEO ng Steel Corporation of the Philippines (SCP) na si Abeto Uy para lamang hindi maibasura at ma-dismiss ang kasong isinampa nito laban sa apat na insurance company.

Nagsimula ang kalbaryo ng SCP nang masunog ang isa sa kanilang gusali na naglalaman ng mga mahahalagang equipment at iba pang kagamitan sa paggawa ng bakal. Nang kukubrahin na ng SCP ang insurance proceeds na mahigit P1 bilyon ay ayaw na siyang bayaran ng mga lokong insurers.

Nang sampahan ng kaso ni Uy ang mga insurers ay dito na nakakita ng butas si judge na humingi ng P15 milion kay Uy para raw paboran ng korte ang kaso ng SCP. Nagpahiwatig pa umano ang judge na matatalo ang SCP kapag hindi ito nagbigay.

Bagama’t malaking halaga ang P15M, di hamak na mas malaki naman ang mawawala sa SCP kapag natalo siya sa kaso dahil mahigit P1B ang kanyang makokolekta sa insurance.

Napilitang magbigay ang SCP ng paunang bayad na P7 milyon at nabasura nga ang Motion to Dismiss ng mga insurers.

Ang siste, wala pang isang buwan ay nag-inhibit sa kaso ang judge at ipina-raffle ang kaso sa ibang korte.

Ang usap-usapan tuloy ay baka nabigyan ng mas malaking halaga si judge ng kabilang partido.

Ang tanong ngayon, magkano kaya ang naisubi ni Subia?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s