Protector ng drug lords, ‘kotong’ judge dapat nang kalusin!

Hindi pa rin tinatantanan ng taumbayan ang isyu ng pagiging protektor ng mga sindikato ng droga itong ating bidang senadora na si Leila De Lima.

Kung hindi tutoo ang mga balitang naglalabasan laban sa ating magiting na senadora ay malamang na namatay na lamang ang isyung ito ng kusa ilang araw o linggo matapos sumingaw ang balita.

Pero patuloy na lumalabas ang mga istorya kontra kay De Lima.

Noong Martes lamang ay isinama ang kanyang pangalan sa isang affidavit kung saan nakalista ang matataas at makapangyarihang opisyal ng pamahalaan bilang protector ng sindikatong pinamumunuan ng anak ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. na si Kerwin Espinosa.

Sa isang press conference, hindi naman tahasang pinangalanan ni Mayor Espinosa si De Lima dahil sa takot nga nitong bweltahan ng senadora.

Ayon sa mayor kasama ang pangalan ng isang makapangyarihang senadora sa listahan.

Isang matinik na abugada itong si De Lima at alam niyang hanggang hindi siya sinasampahan ng kaso sa korte at hanggang hindi napapatunyan sa pamamagitan ng matibay at kongkretong ebidensiya ang mga istorya na sa ngayon ay haka-haka pa lamang na maituturing ay hindi pa siya pwedeng kantiin ng pamahalaan.

Kaya naman sagad hanggang buto ang kanyang pagtanggi sa mga akusasyon laban sa kanya. Kawawang De Lima. Hindi niya alam na pinasasakay lamang siya ng administrasyon at sa tamang panahon ay biglang pasasabugin ng prosekusyon ang sako-sakong ebidensiya laban sa kanya.

Aminin mo na kasi De Lima para mapagaan ang kaso mo!

Speaking of pag-amin, matapang ang ginawang pag-amin kamakailan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mayroong malawakang nangyayaring katiwalian at kotongan sa kanyang nasasakupan sa hudikatura.

Noong nakaraang buwan ay mariing ipinahayag ng punong mahistrado na may mga huwes na nanghihingi at tumatanggap pa rin ng lagay kapalit ng paborableng desisyon sa isang partido.

“The call I had made in [October 2012] for evidence to be brought to us and [up] to now I want still evidence of corruption because that is really something that we need to make an example of,’ pahayag ni Sereno.

“I, hope the public is responsive… the moment that we have enough basis, we will move,” ang pagalit na dagdag ni Sereno.

Ginawa ni CJ and pahayag na ito noong Hunyo nitong taon na ito.

Kung alam lang ni Sereno na ilang buwan lamang bago siya nagsalita ay mayroong nagaganap na kababalaghan sa loob mismo ng kanyang bakuran sa hudikatura.

Isang huwes na nagngangalang Josefino Subia ng Makati City RTC Branch 138 ang umano’y nanghingi ng P15 milyon kapalit ng pagbasura ng Motion to Dismiss sa isang kasong isinampa ng Steel Corporation of the Philippines (SCP) para makakolekta ng insurance mula sa limang insurance companies.

Ayon sa report na lumabas sa mga pahayagan, nasunog ang isang parte ng gusali ng SCP at dahil naka-insure ito ng mahigit P1 bilyon ay agad itong humingi ng claim sa naturang mga insurance para maipagawa ang nasunog na parte at muling makapag-operate ang SCP.

Ngunit hindi sila pinansin ng mga insurance firms kaya’t napilitang humingi ng tulong ang SCP sa korte ni Judge Subia para makakolekta mula sa mga insurance.

Agad namang nag-file ng motion to dismiss ang mga insurance. Kinontak naman umano ni Judge Subia ang SCP at nagpasabing kung gusto nitong ibasura ni Judge ang Motion to Dismiss ay bigyan ang dupang at hayok na Judge ng P15 milyon.

Pagkatapos magtawaran na parang nasa Divisoria lang ang peg ay nagkasundo sa P7 milyon ang SCP at Judge at ilang araw matapos magkabayaran ay nabasura naman ang Motion to Dismiss ng mga Insurance company.

Ang siste, matapos ang ilang araw ay bigla namang nag-inhibit ang switek na Judge at ipina-raffle sa ibang huwes na walang kinalaman sa nangyaring lagayan ang kaso para ipagpatuloy ito!

Calling Chief Justice Ma. Lourdes Sereno! Ito na ang sinasabi mong public response sa iyong panawagan!

Maraming ebidensiya laban kay Judge Subia. Sana naman ay pagtuunan ninyo ito ng pansin upang mawala na sa landas natin ang mga judge na dapat nang kalusin!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s