Pushers to De Lima – “PUSH MO ‘YAN ‘DAY!”

OPINION

Ipit na ipit na itong si Senadora Leila De Lima sa ginagawang all-out war campaign ng Duterte administration laban sa droga.

Kung pagbabasehan ang mga news reports, malakas ang ebidensiya na protektor si De Lima ng mga lider ng sindikato ng droga na nag-o-operate sa loob ng bilibid.

Daang milyon na payola umano ang natanggap ni De Lima mula sa drug syndicate na nagpapatakbo ng iligal na operasyon mula sa loob ng Muntinlupa, na siya namang ginamit ng nanalong senadora sa kanyang pangangampanya, ayon sa balita.

At ngayon ngang senador na siya at nasa posisyon upang punahin at pigilan ang all-out-war campaign ni Duterte sa pamamagitan ng pag-imbestiga “in aid of legislation” ay tila pilit na gumagawa ng paraan ang senadora para mapahinto o kahit limitahan man lamang ang operasyon ni Digong at Bato laban sa iligal na droga.

Lumalabas tuloy na bilang tugon sa utos ng kanyang mga financer sa kulungan ay pinakawalan na ni De Lima ang kanyang unang sultada sa senado noong Agosto 2 nang tirahin nito ang Duterte administration sa kanyang privilege speech.

Sa pamamagitan ng naturang privilege speech, tinira niya ang all-out war vs. drugs ni Digong at hinikayat ang kanyang mga kasamahan sa senado na imbestigahan ang sunud-sunod na nangyayaring salvage o extra-judicial killings (EKJ) na ipinapatupad sa mga umano’y pusher ng droga.

At kaninang umaga nga ay inumpisahan na ang imbestigasyon sa senado at iniharap pa ni De Lima ang ilan sa pamilya ng mga nabiktima ng salvage ng mga umano’y tiwaling pulis.

In fairness ay may punto rin naman itong si De Lima na kailangang maparusahan ang mga ito kapag napatunayang nagkasala at ito rin naman ay sinang-ayunan ni PNP Chief Ronald “Bato” De Los Reyes.

Ayon kay Bato, agad nitong paiimbestigahan ang mga malagim na pangyayari at kapag napatunayang involve nga ang mga pulis ay agad itong gagawaran ng kaukulang parusa.

Niliwanag naman ni Bato na matagal nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kanyang tanggapan laban sa mga ganitong klaseng pulis, “… ngayon na meron talaga tayong witness, i-prosecute talaga natin ang pulis na ito, itong mga involved na ito… I will charge them, your honor. Like in this case, if this witness didn’t surface, we’d have no evidence against these people. That’s why we re-deploy people like them elsewhere, to disrupt their drug operations,” ayon kay Bato.

Mabalik tayo kay De Lima.

Ayon sa galit na privilege speech ng senadora, “A 91% approval rating for the President and what he stands for is a formidable record. But we cannot base our reactions to these killings on the popularity of the President. Popular or not, murder must stop. S-T-O-P. STOP. Stop the killings now!”

“Never mind the police investigation, never mind the public prosecutor, never mind the courts and judges. This is DO-IT-YOURSELF Justice at work. All you need is an acrylic marker, a cardboard, some packing tape, and of course, something to stab or shoot the victim with. And there is no filing fee,” bulalas pa ni De Lima.

At ngayon ngang lumabas na ang ilang kasula-sulasok na video at mga pabebeng litrato ni De Lima kasama ang kanyang tsuper, at ilan pang ebidensiya na may nangyayari ngang kolektahan mula sa mga sindikatong nag-o-operate sa pambansang bilibid, pano naman kaya ito malulusutan ng senadora?

Mukhang mahirap nang paniwalaan na talagang concerned nga ang senadora sa sinapit ng mga biktima ng EJK at mas kapani-paniwalang na ang tunay na dahilan ng kanyang pagtatalak sa senado ay para ma-protektahan ang mga lider ng sindikato ng droga na sinasabing amo niya.

Mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na wala nang magagawa si De Lima kungdi protektahan ang sindikato, “… it was your greed and your immorality that did you in. You cannot hide it. It’s all loose. I think it’s beyond your control already,” wika ni Duterte.

Maging ang kanyang mga kasamahan sa senado na sila Lacson at Gordon ay nag-dadalawang-isip kung talagang karapat-dapat na pamunuan ni De Lima ang naturang imbestigasyon. Kayo, ano sa tingin niyo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s