Black operation sa eleksyon

rody duterte for president

 

Kada eleksyon ay may isinasagawang black operation laban sa mga nagungunang kandidato o mga malalakas ang tsansang manalo lalo na sa posisyon ng presidente.

Walang duda na galing sa kalaban sa pulitika ang mga black operation pero dahil nga “black” ay hind­i kayang tukuyin kung sino talaga ang nasa likod ng ganitong uri ng mga paninira.

Kaya nga nang manguna sa survey si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay inasahan na ng kanyang kampo na siya ang magiging target ng mga black propaganda at nagsimula ito noong araw ng Linggo matapos maging viral sa social media ang kanyang kontro­bersyal na pahayag hinggil sa panggagahasa sa Australian lay missionary na si Jacqueline Hamill.

Pero mabilis na nabuhusan ang isyu ng malamig na tubig nang ilabas ng ABS-CBN ang commissioned Pulse Asia survey kung saan muling nanguna si Duterte at umabot na sa 30 puntos ang boboto sa kanya sa pagka-presidente.

Kaya nga hindi nakakapagtaka na isyu naman ng smuggling ang ibinabato sa pamilya ni Duterte ng isang nagngangalang Perfecto Tagalog na siyang nagparatang na sangkot sa rice smuggling sa Davao City ang anak nitong si Vice Mayor Paolo at ang asawa nitong si January.

Kung hindi ako nagkakamali, si Perfecto Tagalog din ang nagbunyag sa media ng sinasabing mansion ni dating PNP Director General Alan Purisima sa San Leonard­o, Nueva Ecija.

May mga hawak na dokumento si Tagalog noon patungkol sa mga lupain ni Purisima sa San Leonardo­ pati na ang larawan ng naturang mansion.

At kung tama ang aking rekoleksyon ay sa ABS-CBN din unang nagpa-interview si Tagalog para isiwalat ang kanyang mga hawak na dokumento at lara­wan sa mansion ni Purisima sa San Leonardo.

May nakapagbulong sa akin na si Tagalog umano ay malapit sa asawa ni Congressman Arthur Robes ng San Jose del Monte, Bulacan na kilala namang miyembro ng Liberal Party at mahigpit na tagasuporta ni LP standard bearer Mar Roxas na dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Naalala ko tuloy na panahon ni Roxas bilang DILG secretary naging PNP chief si Purisima na kilala namang sobrang lapit kay Pangulong Noynoy Aquino na kahit suspendido na ay nagre-report pa rin kay PNoy gaya ng napatunayan sa imbestigasyon sa Mamasapano massacre.

Base sa koneksyon ni Tagalog, masasabing malaki ang posibilidad na may kinalaman ang Liberal Party sa muling paglabas ni Perfecto Tagalog para akusa­han ang pamilya ni Mayor Duterte ng pagkakasangkot sa rice smuggling sa Davao City.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang alamin ng media kung ano ang credentials at background ni Perfecto Tagalog at bakit siya may access sa mga dokumento gaya kay Gen. Purisima at ngayon naman ay tungkol sa rice smuggling sa Davao City.

Pero ang lalong ikinagulat ko ay kung bakit pinanghimasukan ng Malacañang ang mga akusasyon ni Tagalog at ngayon nga ay pinaiimbestigahan ang mga alegasyon laban sa pamilya Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, seryosong alegasyon ito laban sa pamil­ya ni Duterte at nararapat lamang ang masusing im­bestigasyon upang hindi mahaluan ng kulay ng pulitika.

Hindi siguro naisip ni Coloma na sa ginawa niyang pahayag ay lalong nagkaroon ng kulay pulitika ang isyu kay Duterte at lalong nakumpirma na LP ang nasa likod ni Perfecto Tagalog dahil sa pag-aaksaya ng panahon sa kanya ng Malacañang.

(Source: Abante Online)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s